Marami na kong dinaanang sakit
Mga panahong kinakaya ko ng pilit
Kahit alam ko mismo sa sarili ko na di ko na kaya
Wala akong magawa para matakasan ka
Ngayon,panibagong simula na naman na wala ka
Sinasabi muli sa isip na kakayanin ko pa
Dahil tanging isip ko lamang ang nagsasabi na tapos na
Ang lahat sa atin ay wala na nga ……
Oo ,masakit tama sila !
Alam ko yun hindi ako tanga
Ngunit kung tutuusin parang ganun na nga
Manhid na ko,masaya ka na ba ?
Hindi ko na talaga alam kung ano nga ba?
Sarili ko na naman ay tila nawawala
Masdan mo ang iyong ginawa o manhid ka na rin ba?
Nasasaktan na naman ako,bulag ka ba ?!
Ngunit sa katunayan,wala ka ring magagawa
Masaya ka na sa kanya,kaya ako’y sadyang wala na nga
Tinanggap ko na yun,kaya sumuko na nga
Tuluyan na kong bumitaw dahil iyon ang tama
“Pagod na ko,kaya ko pa kaya ?”
Sagot sa tanong na iyan,malayo at di ko makita
Ngunit isa pa rin ang alam ko at ipapakita sa iba
Magpapatuloy lang ako kahit wala ka na …….
“ I wrote this poem with tears in my eyes, wanting to believe that once again I’ll be able to stand alone and live my life to the fullest, though it hurts so much …funny how I can smile and laugh in everybody’s eyes…. Wanting to say “help !” but I can’t …. Seems like I don’t have any other choice but to keep it to myself and hide ….. I thank God for the positive view…. Thanking Him that He still loves me too..”
No comments:
Post a Comment