Tuesday, January 4, 2011

Mabuhay Muli , Kapiling Siya

Ako’y taong di matanto ang tunay na suliranin sa mundo
Nagtataka kung bakit tila marami ang nasusugatan ang puso
Mga taong patuloy na naghahangad ng maganda sa buhay
At mga taong mga pangarap ay hinayaan na lamang humimlay

Nang mismong ako na ang nakatuklas sa lihim ng buhay
Hindi na nagtataka pa kung bakit may lumuluha’t naghihintay
Sa buhay pala’y di laging kasiyahan ang siyang mararamdaman
Kundi puno rin ng mga pagsubok na minsa’y di alam ang dahilan

Di ko na masisisi mga taong piniling mapag-isa
Pagkat namuong takot sa kanila ay udyok ng iba
Dulot ng alaalang di mabitawan na taglay ay hinagpis
Natural na pagmamahal sa puso’y unti-unting inaalis

Ako’y nakulong sa nakaraang puno ng pighati at saya
Pilit itinanim sa isip na ako’y puno ng ligaya
Ngunit kung titingnan ng mabuti ang aking mga mata
Katotohanang pilit kong itinatago ay iyong makikita

Sa pag-aakalang noong una,sakit na ito’y wala ng lunas
Pagkat puso ko na ang siyang unti-unting naaagnas
Ngunit ako pala’y nagkamali sa mga bagay-bagay sa sarili
Nalimutan ang kaisa-isa, na sa akin ay makakaintindi

Diyos kong mapagmahal ang sa huli’y aking nalapitan
Pinatawad ako at sakit ng damdamin ay siyang nilunasan
Siya talaga ang sa lahat ng aking nakikita’y lumikha
Pinatutunayan lamang na sadya siyang pambihira
Inalis ang sakit kasabay ng bagong buhay
Lunas sa sugat ng puso’y,siya lamang ang may taglay
Nakaraang dati ay aking iniiwasa’t tinatalikuran
Ngayo’y nagpapasalamat na lahat ng iyo’y aking nadaanan

Kung hindi dahil sa aking tunay na Ama sa langit
Marahil ngayo’y patuloy ang kirot sa puso na aking sinasapit
Salamat sa muli niyang buhay na sa akin ay ibinigay
Ngayon kasama siya’y patuloy ang pagtuklas ng mas malalim na bagay

                                                               --EM 17
" Everything that happens in our life is his will ,but it's not His will to see us hurting and being in pain .. When we cry ,He also cries with us .. He see the bandages we always carry and I know that He wants to help us. Being in the fields of God feels like your already in His kingdom. Like the sunrise picture in this poem which means hope ,Let us also believe that walking with God alone is already a hope and an armor to go on .. :)

1 comment:

  1. He will always be the One who'll never leave us even when everybody else would. God loves us too much, and we should always remember that. He embraces us when we're cold... He is the Light in the darkeness, the Brightest One. :)

    http://www.youtube.com/watch?v=blnfOA7Uqqo

    ReplyDelete