Friday, January 7, 2011

Miss na Lang Kita ..

Akala ko noong una'y hindi ko kaya
Nang nilisan mo ko,mahirap ng mag isa
Lalo pang sumakit nang malamang may iba ka na
Hindi alam kung saan ilulugar ang selos na nadama

Sa paglipas ng panahon at bawat araw na di ka kasama
Tumitinding damdamin ay di malaman kung paano mawawala
Umaasang bago matapos ang taong ito'y nalimutan na kita
At pag ibig ko sayo dati'y sa ibang tao ko na mapapadama

Umiiyak sa tuwina naaalala ka
Luha ng kahapon ay hinahanap hanap ka
Ang sabi sa sarili tila wala ng katapusan
Pag ibig ko sayo'y panay sakit na lamang

Hanggang sa isang araw ay naalala kong bigla
Nagulat ako't wala ng mga luha sa mata
Kirot ng puso ay tila biglang nawala
Hindi alam kung ano na nga bang tunay na nadarama?

Aking napagtanto na alaala mo'y di talaga malilimutan
Ito'y patuloy na mananatili sa aking puso't isipan
Ngunit isa lamang ang aking nalama't napagtanto
Miss na lang kita at kahit papaano'y masaya na ko :)

                         " you can't never really erase the memories in the past ,the thing that you just need to do is to accept it and be glad of what had happened because it will always leave you a lesson in the end .. "

Tuesday, January 4, 2011

Mabuhay Muli , Kapiling Siya

Ako’y taong di matanto ang tunay na suliranin sa mundo
Nagtataka kung bakit tila marami ang nasusugatan ang puso
Mga taong patuloy na naghahangad ng maganda sa buhay
At mga taong mga pangarap ay hinayaan na lamang humimlay

Nang mismong ako na ang nakatuklas sa lihim ng buhay
Hindi na nagtataka pa kung bakit may lumuluha’t naghihintay
Sa buhay pala’y di laging kasiyahan ang siyang mararamdaman
Kundi puno rin ng mga pagsubok na minsa’y di alam ang dahilan

Di ko na masisisi mga taong piniling mapag-isa
Pagkat namuong takot sa kanila ay udyok ng iba
Dulot ng alaalang di mabitawan na taglay ay hinagpis
Natural na pagmamahal sa puso’y unti-unting inaalis

Ako’y nakulong sa nakaraang puno ng pighati at saya
Pilit itinanim sa isip na ako’y puno ng ligaya
Ngunit kung titingnan ng mabuti ang aking mga mata
Katotohanang pilit kong itinatago ay iyong makikita

Sa pag-aakalang noong una,sakit na ito’y wala ng lunas
Pagkat puso ko na ang siyang unti-unting naaagnas
Ngunit ako pala’y nagkamali sa mga bagay-bagay sa sarili
Nalimutan ang kaisa-isa, na sa akin ay makakaintindi

Diyos kong mapagmahal ang sa huli’y aking nalapitan
Pinatawad ako at sakit ng damdamin ay siyang nilunasan
Siya talaga ang sa lahat ng aking nakikita’y lumikha
Pinatutunayan lamang na sadya siyang pambihira
Inalis ang sakit kasabay ng bagong buhay
Lunas sa sugat ng puso’y,siya lamang ang may taglay
Nakaraang dati ay aking iniiwasa’t tinatalikuran
Ngayo’y nagpapasalamat na lahat ng iyo’y aking nadaanan

Kung hindi dahil sa aking tunay na Ama sa langit
Marahil ngayo’y patuloy ang kirot sa puso na aking sinasapit
Salamat sa muli niyang buhay na sa akin ay ibinigay
Ngayon kasama siya’y patuloy ang pagtuklas ng mas malalim na bagay

                                                               --EM 17
" Everything that happens in our life is his will ,but it's not His will to see us hurting and being in pain .. When we cry ,He also cries with us .. He see the bandages we always carry and I know that He wants to help us. Being in the fields of God feels like your already in His kingdom. Like the sunrise picture in this poem which means hope ,Let us also believe that walking with God alone is already a hope and an armor to go on .. :)

Sunday, January 2, 2011

ULAN


Sa pagbagsak ng bawat patak ng ulan
Alaala ng nakaraan kasama ka ay di malimutan
Hinihiling na sana’y may isa pang araw
Sa masaya pang oras na ang kasama ko ay ikaw

Kung iyong pagmamasdan ng mabuti ang ulap
Labis na lungkot at hinagpis ng hangin ang iyong malalanghap
Parang pusong unti unting natutunaw ng sakit ng nakaraan
Di malaman kung kailan nga ba ito malulunasan

Sa pagluha ng langit ,di matukoy kung ito’y nagsisisi
Sa mga panahong nasayang dahil sa kanyang sinapit
Kung may pagkakataon lamang siyang baguhin
Ang mga maling nagawa’y, siguradong kanyang aayusin

Magandang sikat ng araw ay di mapagmasdan
Dahil ito’y nababalutan ng isang labis na kadiliman
Kaya’t di makita ang magagandang bagay
Sapagkat bumabalakid ang di magagandang nakaraan sa buhay

Nawa sa iyong muling pagsikat langit
Isama mo naman ako at tanggalin ang pait
Nang maranasan ko na ang panahong hinihintay
Na kung saan ako’y muling mabubuhay

Sa kabila ng katotohanan na lahat ng bagay ay may katapusan
Bakit hanggang ngayon ay puno pa rin ako ng mga katanungan?
   Oo’t ,alam nating ito’y matatapos din
Ngunit sakit kaya ng puso’y mawawala na rin?


                                                   --Em 17
" Everything happens for a purpose ,it's just that you'll never know it soon.. unless you experienced it .. It's part of life ,experiencing pain and feeling lonely .. But always believe that everything is worth it in the end ,all the tears , pains and hurts will be worth it .. Just remember ,after the rain ,there comes the rainbow :) "

Saturday, January 1, 2011

Sandigan :)


Mundo ay patuloy ang pag inog
Kaya buhay natin ay di natutulog
Sa oras na ako’y walang malapitan
Mula sa Diyos darating ang mga tunay na kaibigan

Talikuran man ako ng iba
Alam kong kayo’y mananatiling kakaiba
Sa mata ng iba’y hindi man ako perpekto
Ngunit naniniwala akong alay nyo pa rin ay respeto

Subukin man ng tadhana
Pagsasamahan natin ay walang palya
Kung sakaling may iba’t ibang buhay na
Alam kong alaala sa puso’y mananatili pa

Marahil mabuhay sa mundong ito’y mahirap
Ngunit kapiling kayo’y langit ang aking nalalanghap
Salamat sa pag intindi ng aking mga kakulangan
Ngunit asahan niyong ako’y lagi ninyong sandigan

       --Em 17
     " I dedicate this poem to all my beloved friends whose been there with me through ups and downs. I thank God for bringing them in my life. These are one of the people I treasure the most. I really,really love them .. :) "


Madilim na Nakaraan

Simula nang iyong lisanin
Sarili’y nakalimutang kilalanin
Marami ang nagbago
Sa buhay at puso kong ito ..

Di alam ang dahilan kung bakit nangyari
Nagtatanong kung ako ba ang may pagkakamali ?
Tumigil ang aking mundo
Tila sarili ko’y naglaho

Pilit kong kinalimutan ang sakit
Ngunit sa huli’y , ano nga ba ang sinapit ?
Kinalimutan ang pagsusulat
Sa pag aakalang ito’y hindi na sapat

Ako’y nakulong sa nakaraang puno ng pighati at saya
Pilit itinanim sa isip na ako’y puno ng ligaya
Ngunit kung titingnan ng mabuti ang aking mga mata
Katotohanang pilit kong itinatago ay iyong makikita

Pusong ito’y napagod din
Di alam kung kakayanin ko pa rin
Huwag naman sanang pilitin
Kundi pang unawa lamang ang aking tanging hinihiling ..
      
                                                                                     --Em 17

                          " it's the time that I really felt the pain and brokenness in me ,when one of the person I treasure the most, left me behind.. I don't know where to go ,or who can I lean on ,then I remember God, His the one who entered the dark side of me and save me from it and He let me experience the lightened part in my life .. "

Tunay na Kahulugan ng Pag-ibig

Ang magmahal ay 'di mali
Kung iiwasan lamang ang pagmamadali
Ito’y hindi panay puso
Dapat mayroon ding pagkatuto

Huwag hanapin ang wala
Kundi tanggapin ang kaya
Intindihin ang kakulangan
Habang unti-unting pinupunan

Kung sakaling masaktan
Huwag nawang kalimutan
Na ang pagmamahalan
Ay ‘di laging kasiyahan

Sakaling mata’y lumuha
Huwag kang mabahala
Laging tandaan,
Magandang bagay,sa huli’y nakalaan

Huwag husgahan
Kundi magkaintindihan
Sa lahat ng bagay
Kayo nawa’y magkaramay

Huwag magpataasan
Kundi magkaunawaan
Sapagkat walang perpekto
Kaya’t sa isa’t-isa’y maging ehemplo

Marami man ang pagdaanan
Makakaya, hangga’t may pag-iibigan
Huwag lamang kalimutan
Na ang Diyos ay pasalamatan ..

                                         -- Em 17