Friday, December 31, 2010

Paglimot


Tunay nga na ang pagmamahalan
Ay ‘di laging kasiyahan
Sa huli’y may nasasaktan,
Sa huli’y may naiiwan

Labis man ang sinapit
Kailangang kalimutan ang sakit
Harapin ang bagong bukas
Ng may buong lakas

Walang nagsabing ito’y madali
Ngunit tumayo ka para sa sarili
Mahihirapan kang pagmamahal at tiwala’y ulitin
Kaya’t puso’y huwag pilitin

Laging tandaan,
Na kung dapat nang pakawalan
Huwag ng panghawakan
Kung talagang iyo’y,babalik yan !

Ang pagkagalit ay mararamdaman
Ngunit pagtanggap sa katotohana’y pag-aralan
Gawing tungtungan ang nakaraan
Para sa mas magandang kinabukasan

Huwag manghinayang sa sakit
Dahil ito’y sinapit
Kundi matuwa
At ito’y nawala !
                                  --Em 17 

" the time that I'm trying to forget him ,the point in my life that I've decided to let go and leave the memories behind because it just causes me too much pains in life .. God helped me to get rid of it and to be able to stand even if his not around me anymore .. "

No comments:

Post a Comment